Allen Ansay, Sofia Pablo nag-perform sa TikTok Awards PH 2023

Kabilang sa mga dumalo sa katatapos lang na TikTok Awards PH 2023 ang Sparkle love team na sina Allen Ansay at Sofia Pablo.
Spotted sina Allen at Sofia na magkasama sa event na idinaos sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City.
Lutang na lutang kagandahan ni Sofia nang dumating siya sa event suot ang kanyang modern Filipiniana gown.
Kitang-kita naman ang kakisigan at kagwapuhan ni Allen sa kanyang modern barong.
Silipin ang looks at kilig moments ng AlFia sa naturang TikTok event sa gallery na ito.






