Aly Borromeo, spotted sa birthday salubong ni KC Concepcion sa Amanpulo

GMA Logo KC Concepcion and Aly Borromeo

Photo Inside Page


Photos

KC Concepcion and Aly Borromeo



Spotted sa 40th birthday salubong ni KC Concepcion sa Amanpulo, Palawan ang dati nitong boyfriend na si Aly Borromeo. Ipinagdiwang ni KC ang kanyang 40th birthday noong April 7.

Noong Biyernes, April 18, ipinakita ni KC sa Instagram ang ilang photos at videos na kuha mula sa kanyang birthday salubong, kung saan nakasama niya ang mga kaibigan at maging si Aly.

Kuwento ni KC, nagsimula ang kanyang birthday salubong sa paglalaro ng tennis, kung saan nakuhanan din si Aly na naglalaro. At sinundan naman ito ng kanilang grilled wagyu at sushi dinner.

Dagdag pa ni KC, nagkaroon ng surprise birthday welcome sa kanya, na kinumpleto ng karaoke sa kanilang paboritong villa. Nagkaroon din sila ng biglaang golf cart race sa isla, kung saan makikita sila ni Aly na magkasama sa isang golf cart habang nakikipagkarera sa kanilang mga kaibigan.

Naging magkasintahan sina KC at Aly nang dalawang taon at naghiwalay noong 2018. Marami ang naiintriga kung nagkabalikan na nga ba ang dalawa tulad na lamang nang makita silang magkasama sa isang wedding event noong March 2025.

Nagkasama rin sina KC at Aly sa isang football event noong October 2024.

SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG CELEBRITY EX-COUPLES NA NAGKABALIKAN


Jennylyn Mercado and Dennis Trillo
Meryll Soriano and Joem Bascon
Maja Salvador and Rambo Nunez
Gelli de Belen and Ariel Rivera
Jomari Yllana and Priscilla Almeda
Vicki Belo and Hayden Kho
LJ Moreno and Jimmy Alapag
Jopay Paguia and Joshua Zamora
Zsazsa Padilla and Conrad Onglao
Baninay Bautista and Bont Bryan Orpel

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas