Fast Talk with Boy Abunda
Amy Austria, Neil Ryan Sese praise Anton Vinzon as an actor

Bumibida ngayon ang young Sparkle star na si Anton Vinzon sa GMA Afternoon Prime series na Kamao. At kahit ito ang kauna-unahan niyang solo lead, masaya at may kumpyansa naman sa kaniya ang co-stars niya na sina Amy Austria at Neil Ryan Sese.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, June 10, inamin nina Amy at Neil na masaya at proud silang gawin ang naturang sports-action GMA Afternoon Prime Series.
Dagdag nila, masaya rin silang katrabaho si Anton dahil bukod sa nakikita nila ang kagustuhan nitong maging mas magaling na aktor, nakikita rin nila ang pagmamahal sa amang si Roi Vinzon na kasama rin nila sa serye.
Tingnan kung ano nga ba ang opinyon nina Amy at Neil tungkol kay Anton sa gallery na ito:









