Anak ni Nadia Montenegro na si Sophia, inaming nakakausap na ang amang si Baron Geisler

Inamin ni Sophia Asistio na may komunikasyon na sila ng kaniyang ama na si Baron Geisler.
Sa Lutong Bahay, ibinahagi nina Sophia at ng kaniyang inang si Nadia Montenegro ang kuwento ng kanilang buhay.
Ayon kay Nadia, hindi alam ni Sophia ang tungkol kay Baron dahil hiniling ito ng asawa niyang si Boy Asistio
"'Yung naging request lang ng Daddy Boy nila is sana 'pag nalaman niya, wala na siya mundong ito dahil ayaw niyang magbago ang tingin ni Sophia sa kaniya."
PHOTO SOURCE: Lutong Bahay/ GMA Public Affairs
Nalaman ni Sophia ang katotohanan at kinumpronta niya ang kanyang ina noong siya ay 16 years old. Ngayon ay 18 years old na si Sophia.
Saad ni Nadia, "She knew inside pero she confronted me when she was 16. I didn't find any reason naman to parang idutdut pa 'yung truth kung nakikita ko naman okay naman kami. She's in contact with her dad."
Itinanong ni Lutong Bahay host Mikee Quintos kung ano ang tawag ni Sophia kay Baron.
Sagot ni Sophia, "When I talk to him, I just say 'po,' ganun lang."
Inamin din ni Sophia na mayroon pa ring "bounderies" sa pakikipag-ugnayan niya kay Baron.
"I've been trying to respect pero there's still boundaries because I've tried na din, parang second chance na lang din 'to."
Kuwento pa ni Sophia, hindi niya isinasantabi ang oportunidad na mas makilala ang sarili dahil sa komunikasyon sa kaniyang ama.
"Siyempre, hindi ko rin ika-cut off 'yung ganung opportunity, baka may mahanap ako sa sarili ko na mas makabubuti pala sa akin. Baka mas mag-grow ako as a person, if may nakita akong, 'Uy may similarities pala kami.'"
Inilahad ni Sophia sa Lutong Bahay ang comments na nababasa niya sa social media. Ani Sophia proud siya sa kaniyang apelyido kahit na alam na niyang si Baron ang kanyang ama.
"When I see comments na parang, 'Bakit ganito 'yung apelyido mo?' ngayon ko lang sasagutin, I'm very proud sa apelyido na meron ako ngayon. I take pride and kung hindi ko siya kailangan palitan, hindi ko papalitan 'yung apelyido ko, hindi talaga."
Panoorin ang buong interview nina Nadia at Sophia sa Lutong Bahay:
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA LARAWAN NI SOPHIA SA GALLERY NA ITO:












