MAKA
Ang mga bagong karakter at makakasama sa 'MAKA LOVESTREAM's 'Pretty Little Baby'

May mga bagong artista na papasok para sa ikatlong yugto ng MAKA LOVESTREAM na "Pretty Little Baby."
Ngayong November, bagong kuwento at bagong mga karakter ang gagampanan ng MAKA LOVESTREAM barkada, kung saan si Chanty naman ang bibigyan ng spotlight.
Sa "Pretty Little Baby", tampok ang kuwento ni Myka (Chanty), na lumaki sa isang pamilya na puro magaganda at guwapo. Pero si Myka, hindi nabiyayaan ng ganda. Kaya naman madalas siyang tuksuhin na ampon.
May makakakita pa kaya ng tunay na ganda ni Myka?
Kilalanin ang mga bagong karakter at bagong makakasama sa MAKA LOVESTREAM's "Pretty Little Baby" sa gallery na ito:














