Fast Talk with Boy Abunda
Angelica Hart, Buboy Villar open up about love and forgiveness

Napuno ng pag-ibig at pagpapatawad ang naging kwentuhan nina Angelica Hart, Buboy Villar, at King of Talk Boy Abunda sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Biyernes, August 23.
Sa naturang episode, ibinahagi ni Angelica ang heartbreak at katotohanan sa balitang hiwalay na sila ng nobyong si Andrew Muhlach. Ikinuwento rin ng dating sexy star ang mga leksyon na natutunan niya sa isang relasyon.
Samantala, labis na saya naman ang nararamdaman ni Buboy matapos nilang magkapatawaran ng dating partner na si Angillyn Gorens. Ngayon, mas maayos at matiwasay na ang co-parenting nila.
Alamin ang kwento ng 'Taskforce Firewall' stars sa gallery na ito:









