Angelu De Leon, nagsalita tungkol sa isyu nila ni Claudine Barretto

Nagbigay na ng pahayag ang batikang aktres na si Angelu De Leon tungkol sa isyu nila ng kapwa aktres na si Claudine Barretto.
Bumisita si Angelu sa Fast Talk with Boy Abunda, kasama ang kaniyang co-star sa hit GMA series na Pulang Araw na si Epy Quizon, kahapon, August 1
Bukod sa kanilang mga karakter sa nasabing serye, tinanong rin ni Boy si Angelu tungkol sa controversial issue nila ni Claudine.
“There was this issue… Clau[dine] spoke about not wanting to work with you for some reason. And then there's another declaration that she said he regretted it. I hope my narrative is correct. But she was trying to reach out to you…” wika ni Boy.
Tanong niya kay Angelu, “Kayo ba'y nagkausap na? Kayo ba'y nagkaayos na?”
Matipid naman ang naging sagot dito ni Angelu. Aniya, “Wala pang pagkakataon pero umaasa pa rin ako na darating 'yung panahon na 'yon.”
Matatandaan na naging usap-usapan kamakailan ang sinabi ni Claudine na gusto niya na muling makatrabaho sina Gladys Reyes at Judy Ann Santos pero hindi si Angelu. Nangyari ito sa mismong 20th anniversary party nina Gladys at Christopher Roxas noong January 2024.
Samantala, noong April 2024, sinabi ni Claudine sa vlog ng showbiz vlogger at talent manager na si Ogie Diaz na pinagsisisihan niya ang kaniyang mga sinabi tungkol kay Angelu.
Batchmates noon sina Angelu at Claudine sa youth-oriented show na Ang TV.
Mapapanood naman si Angelu bilang si Carmela Borromeo sa Pulang Araw, weeknights 8:00 p.m. sa GMA Prime.
Tumutok din sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, narito ang ilang celebrities na nagkaayos matapos ang matagal na hidwaan:













































