GMA Logo Pulang Araw
What's on TV

'Pulang Araw' world TV premiere trends on social media

By Jimboy Napoles
Published July 30, 2024 1:56 PM PHT
Updated July 30, 2024 2:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Pulang Araw


Tinutukan ng maraming manonood ang world TV premiere ng 'Pulang Araw' sa GMA Prime.

Trending at pinag-uusapan ngayon sa social media ang naging world TV premiere ng bagong family drama ng GMA na Pulang Araw.

Sa katunayan, nasa number 1 spot ang #PulangArawWorldTVPremiere sa top trending list ng Philippine Trends sa X kagabi, July 29.

Bukod dito, napahanga rin ang marami sa ipinakitang acting performance ng aktres na si Rhian Ramos na napanood sa episode 1 ng serye bilang si Filipina Dela Cruz, ang ina nina Eduardo (Alden Richards) at Adelina (Barbie Forteza).

Marami rin ang bumilib sa pag-arte ng child actress na si Cassy Lavarias na gumanap bilang batang Adelina sa serye.

Napansin din ng mga manonood ang production quality ng programa, maging ang mga simbolismo na ipinakita sa ilang mga eksena sa serye.

Iikot ang kuwento ng Pulang Araw sa magkababata na sina Adelina (Barbie Forteza), Teresita (Sanya Lopez), Hiroshi (David Licauco), at Eduardo (Alden Richards) na namuhay noong 1940s sa kasagsagan ng pamamalakad ng Amerika sa Pilipinas at sa pagdating ng mga mananakop na mga Hapones.

Sa pagsiklab ng World War II, magiging mitsa rin ito ng iba't ibang mga problema sa buhay ng apat na magkakaibigan.

Sa unang episode ng Pulang Araw, ipinakita ang ilang mga actual footage ng pagdating ng Amerika sa Pilipinas at kung paano nito ipinalaganap ang kanilang impluwensiya kagaya ng mga pagpapagawa ng tulay at establisyemento, sa edukasyon, at sa paraan ng entertainment noon na bodabil.

Samantala, habang nasa taping, nagkaroon din ng watch party ang cast at production crew kagabi para sa pilot episode ng Pulang Araw sa TV.

Samantala, subaybayan sa free TV ang Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Prime.

RELATED GALLERY: 'Pulang Araw' cast, ipinakilala sa isang enggrandeng media conference