Anjo Yllana, umaming nakarelasyon si Kris Aquino noon

Sa unang pagkakataon, binunyag ni Anjo Yllana na nakarelasyon niya ang Queen of All Media na si Kris Aquino.
Inamin ito ng aktor nang makapanayam siya ni Snooky Serna sa YouTube channel nito.
Ayon kay Anjo, tatlong linggo lang ang itinagal ng kanilang relasyon ni Kris na nakasama niya sa pelikula.
Pagbabalik-tanaw ni Anjo, "Nag-break kami ni Kris kasi minsan dumalaw ako sa kanya, nagdala ako ng flowers. 'Yung flowers ko parang galing Baguio, may matataas na stem na roses na alam mong galing sa ibang bansa. Sabi ko, 'Kanino galing 'yang roses na 'yan, Kris?' Sabi niya, "Oh, it came from Robin.' Sabi ko, 'Nanliligaw ba sa 'yo si Robin?' Sabi n'ya, 'Oh, he's my boyfriend.' Sabi ko, 'Huh, boyfriend mo si Robin [Padilla]? Boyfriend mo rin ako?' Sabi niya, 'Yeah, including Aga [Muhlach].'"
Patuloy pa ni Anjo, "So, nabaliw ako no'n. Sabi ko sa kanya, 'Ikaw baliw ka.' Ano, maging magkaibigan na lang tayo kasi walang mangyayari sa 'tin nito."
Related gallery: Surprising Celebrity Ex-Couples You Didn't Know About
Ayon kay Anjo, sa kabila ng kanilang hiwalayan, nanatili silang magkaibigan ni Kris at inalalayan niya ito habang ipinagbubuntis ang panganay nitong si Josh, na anak nila ni Philip Salvador.
Sabi ni Anjo, "Naging best friend ko 'yang si Kris. No'ng panahon ni Kuya Ipe, ando'n ako para sa kanya."
Naging confidant din ni Kris si Anjo. Sa katunayan, dahil sa kanilang pagkakaibigan, kinuhang ninong ni Kris si Anjo ng kanyang panganay na si Josh.
Ani ng komedyante, "Yung pagbubuntis n'ya kay Josh, nando'n ako para sa kanya. I was there. I was telling her, 'Alam mo si Kuya Ipe, 'di na 'yan tatanggapin ng pamilya mo kasi nagkaroon ng asawa at pamila 'yan, hiwalay.' But sabi ko, 'Your child, imposibleng 'di tanggapin ng mommy mo si Cory, imposibleng 'di tanggaping ng mga kapatid mo kasi dugo nila 'yan, e. Si Kuya Ipe, 'di naman nila kadugo 'yan kaya 'wag mo na isipin 'yan kasi nakakaapekto lang 'yan sa pagdadalang-tao mo. Basta I promise you, your family will accept your child."
Samantala, inamin din ni Anjo na nagkahiwalay sila ng landas ng kaibigang si Kris nang kampihan niya ang ex nitong si Joey Marquez nang masangkot sila sa isang kontrobersyal na issue noon.
Ani Anjo, "Wala na, 'di na ako friend ni Mareng Kris pero 'pag nagkikita naman kami kunwari sa eroplano, (binabati niya ako). Hi pare, gano'n lang."
Nag-iwan naman ng mensahe ng suporta si Anjo kay Kris sa gitna ng pakikipaglaban nito sa malubhang sakit.
Sabi ni Anjo, "'Yung mga pinagdadaanan niya ngayon, kahit 'yung mga ilang tao na tinitira s'ya sa pinagdadaanan n'ya, I think more than 90 percent ng showbiz, mahal ka sa industriya kaya 'wag mo isipin na lahat ng taga showbiz 'di ka gusto. Mahal ka ng mga taga showbiz at naiintindihan nila 'yung kalagayan mo. Kasi minsan may bira d'yan kay Kris na umaarte lang kaya keep strong, keep fighting."
Birong dugtong pa ni Anjo, "Kawawa naman si mare, dalawa anak n'ya, wala na nga s'yang love."
Tingnan ang mga lalaki sa buhay ni Kris Aquino:



















