News
Anton Vinzon gets a warm welcome from Sparkle family after 'PBB 2.0' exit

Isang sorpresa mula sa kanyang Sparkle GMA Artist Center family ang sumalubong sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ex-housemate na si Anton Vinzon.
Ang Kapuso star na si Anton ang kasabay ni Rave Victoria (Kapamilya) na lumabas ng Bahay Ni Kuya nitong nakaraang Sabado, January 3, sa naganap na fourth eviction night.
Sa pagbabalik ni Anton sa GMA Network at office ng Sparkle, nakatanggap siya ng warm welcome mula sa mga patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa kanya sa outside world.
Silipin ang highlights sa pagsalubong ng Sparkle family kay Anton sa gallery na ito.




