Arci Muñoz clarifies Instagram photos with kid: 'I'm a 'titamomma''

GMA Logo Celebrities babysitting their pamangkins
@ramonathornes on Instagram

Photo Inside Page


Photos

Celebrities babysitting their pamangkins



Nilinaw ni Arci Muñoz na pamangkin niya ang batang nasa mga larawan na kanyang ipinost sa Instagram kahapon, April 1.

Nagulat ang kanyang mga kaibigan sa showbiz at followers nang mag-post siya sa Instagram, na nagpapakita ng larawan ng isang cute na batang babae at isa pang larawan niya na kalong-kalong ang isang baby.

Sa caption nito, sinabi ng 36-year-old actress, “Been waiting for the right moment to tell the world about you my sweet #Estrella soo blessed to have ya my little princess. Love you! ”

Agad naman itong inulan ng mga masasayang pagbati mula sa mga kaibigan at followers, na nag-akalang anak niya ang mga nasa larawan.

Ngunit matapos ang ilang oras, nilinaw ng Sinagtala actress na ang batang nasa larawan ay anak ng kanyang kapatid. Nakasulat pa sa naturang post ang “#titamomma.”

Sa comment naman sa kanyang Instagram post, sinabi ni Arci, “[C]laiming all my pamangkins my own. Nonetheless I'm a #titamomma.”

On settling down

Sa isang interview matapos ang Sinagtala media conference kamakailan sinabi ni Arci na ipinagpapasa-Diyos na lamang niya ang kanyang kapalaran tungkol sa pagkakaroon ng pamilya.

“Nag-stop na akong mag-worry sa ganyan, sa totoo lang,” sabi niya.

“Never ko naman talagang inisip na nape-pressure ako. But all of my siblings are married and they all have their families and kids. As of the moment, I am the best ninang. Okay na muna ako run, para na rin akong may mga anak sa mga pamangkin ko.

“Pero siyempre, gusto ko rin eventually magkaroon ng kids, so pina-plan kong magpa-freeze. Kung wala pa talaga, ano ipipilit ko?”

Dagdag pa niya, “I want in the future, of course, I wanna be a mom. Pero ngayon, matagal akong nawala and this opportunity comes. Ako ngayon talaga, si Lord na lang talaga. Wala na, nag-let go na ako. Ayaw ko na rin talaga magplano, ayaw ko rin ma-pressure. Sobrang kumakapit ako sa faith ko kay Lord. Kung anuman ang plano Niya para sa akin, 'Lord, direct me there.'”

Dahil nabanggit niya ang pagpapa-freeze ng kanyang egg cells, tinanong si Arci kung bukas din siya sa ideya ng pagkakaroon ng anak sa pamamagitan kahit walang partner?

Agad na sagot niya, “Huwag naman sana, Lord. Gusto ko naman ng partner sa buhay. Malungkot yun.”

Pagkatapos nito ay natatawa inamin ng BTS fan, “Pero kasi nga, yung standard ko, Jungkook, e.”

Ayon kay Arci, ang gusto niya sa magiging partner ay katulad ng kanyang yumaong ama.

“Kung paano 'yung dad ko sa mom ko. Kung paano 'yung parents. 'Di ko alam kung paano makahanap katulad ng papa. Mahirap makahanap ng ganu'n. Kaya feeling ko single na ako for life.

“He's the best in everything, with taking care of our family, raising us kids. Nakita ko talaga 'yung effort niya in raising all of us, putting us in good schools. Everything, e, alam mo 'yun?

“Everything that I am, itong values ko, lahat, kung ano ang pundasyon ko, it's all because of my parents, especially my dad,” pagtatapos ni Arci.

Samantala, tingnan ang cute bonding ng ilang celebrities kasama ang kanilang mga pamangkin dito:


Maine Mendoza
Curly-haired cutie
 Kris Bernal
Goofy Tita
Lovi Poe
Tita's boy
 Solenn Heussaff
Family time
 Scarlet Snow Belo
 Little tita
Vin Abrenica
Boys bonding
 Alex Gonzaga
Tinang time
Tom Rodriguez
Pia Wurtzbach
Laureen Uy
Julia Barretto
Mommy No 2.
Alessandra vs Alessandra
Gwen Zamora
Selfie buddies
Bea Alonzo
Clingy

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 23, 2025
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust