Arci Munoz, ipinakilala ang anak?

Nagulat ang marami sa post ni Sinagtala star Arci Muñoz na may anak na siya.
Sa Instagram, nag-post si Arci ng litrato ng isang batang babae. Kasabay nito, may litrato rin ang aktres mismo karga ang isang baby na katerno pa niya ng suot na pajama.
Sulat ng aktres sa caption, “Been waiting for the right moment to tell the world about you my sweet #Estrella soo blessed to have ya my little princess. Love you! ”
Sa comments section, ilang netizens din ang nagpaabot pa ng kanilang congratulations at ipinahayag kung gaano sila kasaya para sa aktres, kabilang na ang actress-singer na si Vina Morales.
Mensahe pa ng Cruz vs Cruz star, “Awwww soooo cutie like mommy. So proud of you.”
TINGNAN ANG STUNNING DAUGHTERS NG ILANG CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO:
Ang ibang netizens, napatanong kung seryoso ba na may anak na nga ang aktres, habang ang iba naman ay nagtaka kung kailan at papaano nagbuntis si Arci.
Ilang netizens naman ang hindi nagpadala sa “announcement” ni Arci at sinabing baka April Fools' joke lang ito ng aktres.
At mukhang biro nga lang ito dahil sa IG Stories ni Arci, ipinaalam niya na ang batang babae ay anak ng kaniyang kapatid na lalaki.
“My brother's daughter,” sulat niya sa IG Story ng photo ng bata.
SAMANTALA, KILALANIN ANG ILANG CELEBRITY SINGLE MOMS SA IBABA



















