Arra San Agustin sinagot ang usap-usapan na naging sila umano ni Paolo Contis noon

GMA Logo Arra San Agustin and Paolo Contis
Source: arrasanagustin/IG, paolo_contis/IG

Photo Inside Page


Photos

Arra San Agustin and Paolo Contis



“No. Hard no.”

Iyan ang naging sagot ni Kapuso star Arra San Agustin nang tanungin siya kung nagkaroon ba sila ng relasyon ng dating Tahanang Pinakamasaya co-host na si Paolo Contis.

Matatandaan na sa November 22, 2023 episode ng Fast Talk with Boy Abunda ay ipinaliwanag na rin ni Paolo ang tungkol sa kumakalat nilang video clip ni Arra. Aniya, edited video lang iyon ng portion ng kanilang show na “maliciously edited.”

“It's a skit, [a love] triangle ni Arra, ako and tsaka ni Candy, played by Betong, and they just keep posting the Arra side of it,” ani Paolo.

Sa episode ng naturang talk show ngayong Huwebes, December 26, ay dinugtungan naman ni Arra ang paliwanag noon ni Paolo.

“So skit siya, nasa-stage, love triangle po kami; ako, si Kuya Pao, si Kuya Betong. 'Yung mga tao, they cut out pictures of me and Kuya Paolo tapos gumagawa sila ng mga articles, like mga headlines, na ako daw 'yung third party,” sabi ng aktres.

BALIKAN ANG PAGPUNTA NI ARRA SA SWITZERLAND SA GALLERY NA ITO:

Ayon kay Arra ay fake news at hindi rin reliable ang source ng balitang kumakalat noon kaya naman nagtataka siya kung bakit marami ang naniwala. Dito ay ipinahayag ng aktres kung gaano kadelikado ang social media sa paglaganap ng fake news.

“Which is also dangerous with social media because ang daming fake news, ang daming disinformation, parang we can easily be manipulated or gaslighted by a single headline lang na hindi naman pala totoo,” sabi ng aktres.

Pagpapatuloy pa ng dating Bubble Gang star, “Hindi pa sila 'yung nagtatanong a, na 'Totoo ba 'to?' They draw conclusions. And wala silang nakikitang photos, videos, footage naming dalawa ni Kuya Paolo casually hanging out together without the TP fam, like nothing related to TP. Wala, wala silang makikita.”

Nang hinikayat ni Boy si Arra na sagutin nito ang sariling tanong na “So what is really real? Ano ba talaga 'yung totoo sa social media?” ayon sa aktres, “Nothing, I guess.”

SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG STYLISH LOOKS NI ARRA SA GALLERY SA IBABA


White
Elegant
Neutrals
Plaid
Preppy
Yellow
Green
Dazzle
Blue
Flower

Around GMA

Around GMA

Natural gas discovered at Malampaya East 1 —Marcos
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE