Ashley Ortega, proud at thankful sa success ng 'Hearts On Ice'

Double trending ang pagtatapos ng kauna-unahang figure skating series ng bansa, ang Hearts On Ice.
Nag-trend sa Twitter Philippines ang hashtags na "HeartsOnIce" at "HOITheFinalBattle" kung saan inabangan ng viewers ang huling laban ni Ponggay (Ashley Ortega) at ang happy ending nina Ponggay at Enzo (Xian Lim) maging ng iba pang mga karakter sa show.
Umaapaw naman ang pasasalamat ni Ashley sa naging mainit na pagsubaybay ng manonood sa dream series niya at umaasa siya na nakapagbigay inspirasyon ito sa marami.
Narito ang mga larawang ibinahagi ni Ashley Ortega sa pagtatapos ng Hearts On Ice.









