Ashley Ortega reacts to dating rumors involving ex-BF Mark Alcala and Kathryn Bernardo

Hindi kinukumpirma o itinatanggi ni Lucena City Mayor Mark Alcala at actress na si Kathryn Bernardo kung ano nga ba ang namamagitan sa kanila.
Kasama ang Apoy sa Dugo co-star niyang si Elle Villanueva sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, May 25, ibinahagi ni Ashley Ortega ang reaksyon niya sa relationship rumors tungkol kina Kathryn at Mark, na kanyang ex-boyfriend.
“Si Kathryn, I idolize her as an actress kasi. Parang 'Oh, wow, ang swerte naman ni Mark, nakakuha siya ng Kathryn Bernardo,'” sabi ni Ashley.
Pagpapatuloy pa ng aktres, “But again, I'm happy for the both of them, and I'm just happy for them kasi it's been years na rin and finally, nakahanap siya ng mabuting decent girl.”
Sa pahayag niyang ito, tila kinumpirma na ni Ashley ang tanong ng marami matapos makita ang ilang litrato nina Mark at Kathryn na tila magkahawak ng kamay.
RELATED CONTENT: TINGNAN ANG ILAN SA MGA PICTURE-PERFECT PHOTOS NI ASHLEY SA GALLERY NA ITO:
Samantala, inamin naman ni Ashley na tingin niya ay hindi na sila magkaibigan ngayon ni Mark. Aniya, simula noong maghiwalay sila, hindi na sila muling nagkita o nag-usap pa.
Paglilinaw ni Ashley, maayos naman ang naging break up nila, “ It was mutual, and I think, 'yun na talaga. We just never bumped into each other."
Pagpapatuloy ng aktres, "Siguro if dumating 'yung time na we bumped into each other, of course, I'm gonna say hi.”
Samantala, kilalanin si Mayor Mark Alcala sa gallery na ito:











