Ashley Ortega shows the last taping day of 'Hearts On Ice'

Sa halos anim na buwang taping, naging isang pamilya na ang turingan ng cast at crew ng kauna-unahang figure skating series ng bansa, ang Hearts On Ice.
"To all the staff, crew, medic, cameraman/woman, makeup artist, stylist, skaters, coaches, director, producers, creative team, and actors of 'Hearts On Ice,' maraming maraming salamat po for making my dream project come true. I love you all and I will miss each and everyone," mensahe ni Ashley Ortega sa pagtatapos ng taping ng Hearts On Ice.
Bumubuo sa mahuhusay at talented na cast ng serye sina Ashley at Xian Lim kasama ang beterano at kilalang mga aktor na sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Rita Avila, Lito Pimentel, Ina Feleo, Cheska Iñigo, Kim Perez, Roxie Smith, Skye Chua, at Ruiz Gomez.
Ang Hearts On Ice ay sumailalim sa direksyon ni Direk Dominic Zapata.
Tingnan ang masasayang larawang kuha mula sa huling araw ng taping ng Hearts On Ice sa gallery na ito:











