Regal Studio Presents
Aspiring musician, puro rock and roll ang iniisip sa 'Regal Studio Presents: My Rockstar Lolo'

Para sa music lovers ang bagong episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "My Rockstar Lolo," tungkol ito sa aspiring musician na si Jameson (Anton Vinzon).
Puro rock and roll ang nasa isip niya kaya napapabayaan na niya ang pag-aaral at iba pang responsibilities.
Iniidolo niya ang lolo niyang si Jaime (Mitoy Yonting) na miyembro ng isang legendary Pinoy rock band.
Ano kayang mapupulot ni Jameson sa mga karanasan ni Jaime bilang isang rockstar?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "My Rockstar Lolo," April 26, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






