Magpakailanman

Babae, magiging pornstar para ipagamot ang ina sa 'Magpakailanman'

GMA Logo Ang Anak Kong Pornstar

Photo Inside Page


Photos

Ang Anak Kong Pornstar



Maselan ang paksa ng bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.


Pinamagatang "Ang Anak Kong Pornstar," kuwento ito ni Angel, babaeng bumibida sa porn videos.

Nang ma-diagnose ng breast cancer ang nanay ni Angel na si Leni, titigal siya sa pag-aaral para magtrabaho.

Naging waitress sa bar at kalaunan ay naging escort si Angel para matustusan ang pagpapagamot ng nanay niya.

Aalukin siya ng Filipino-American adult film maker na si James na gumawa ng porn film.

Tatanggapin niya ang alok dahil kulang pa rin ang pera niya para sa chemotherapy ni Nanay Leni.

Anong mga hamon ang haharapin ni Angel bilang isang pornstar? Makakalabas pa ba siya mula sa industriyang ito?

Abangan ang brand-new episode na "Ang Anak Kong Pornstar," September 20, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.


Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.


Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Rabiya Mateo
Amy Austria
Pancho Magno
Carlo Gonzalez
Escort
Adult videos
Ang Anak Kong Pornstar

Around GMA

Around GMA

PNP arrests Atong Ang co-accused in missing sabungeros case in Batangas
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure