Babaeng malapit nang maging guro, na-comatose sa '#MPK'

Isang inspiring na kuwento tungkol sa pag-abot ng mga pangarap ang handog ng brand new episode ng real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'
Pinamagatang "Bingit ng Buhay," tungkol ito sa isang aspiring teacher na mauudlot ang mga pangarap.
Malapit na sanang maging ganap na guro si Vicky nang siya ay maaksidente. Malubha ang magiging lagay niya kaya mako-comatose pa si Vicky.
Maraming pangarap at mga plano ang pamilya ni Vicky para sa kanya pero wala silang magawa kundi magdasal at maghintay na bumuti ang kanyang kalagayan.
Matutupad pa ba ni Vicky ang kanyang mga pangarap?
Abangan ang brand new episode na "Bingit ng Buhay," December 16, 8:00 p.m. sa '#MPK.'
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






