Barbie Forteza at Sharon Cuneta, magkakasama sa 'Honor Thy Mother'

Muling magsasanib-pwersa ang GMA at ABS-CBN para sa isang serye, at ka-collab din nila rito ang streaming platform na Prime Video Philippines.
Inanunsyo ang bagong project na Honor Thy Mother sa Prime Video Presents: Philippines event noong Martes, April 14, na ginanap sa Makati.
Ang upcoming series ay pagbibidahan ito ng Kapuso at Kapamilya actresses na sina Barbie Forteza at Sharon Cuneta.
Related gallery: The acting range of Barbie Forteza
Bahagi rin ng Honor Thy Mother ang Kapuso actor na si Khalil Ramos at Kapamilya actor na si John Estrada.
Sa latest showbiz report na ipinalabas sa Unang Hirit, ipinasilip ang highlights sa event, kung saan nagsama-sama ang apat na prominent actors.
Ayon kay Sharon, honored at excited siya na makatrabaho si Barbie sa kanilang new project.
Para naman kay Barbie, dream come true ito ngayong makakatrabaho niya ang kanyang idol na si Sharon.
“She's the reason why I wanted to become an actress,” pahayag ng Kapuso star na si Barbie tungkol kay Sharon.
Bago ito, nag-collab na rin ang GMA at ABS-CBN noong 2023 para sa seryeng Unbreak My Heart at sa nagdaang collaboration editions ng Pinoy Big Brother.
Samantala, narito ang ilang pang Kapuso-Kamilya collaborations:









