Barbie Forteza, nag-Pasko kasama ang pamilya sa kanilang bagong bahay

Feeling blessed talaga ngayong Pasko ang Kapuso actress na si Barbie Forteza dahil isang malaking regalo ang kaniyang natanggap - ang makalipat sa kanilang bagong tahanan.
Sa Instagram, ibinahagi ni Barbie ang ilang Christmas photos kasama ang kaniyang mga magulang at ang boyfriend na si Jak Roberto. Makikita rito na masaya silang nagse-celebrate ng Pasko sa kanilang bagong gawang bahay.
“Merry Christmas from Casa Forteza,” caption ni Barbie sa kaniyang post.
Noong November 2022, nang unang ianunsyo ni Barbie ang kaniyang bagong ipinapatayong bahay. February 2023 naman nang unang ipasilip ng aktres ang naumpisahang construction ng bahay.
“Dear self, I am so proud of you. Keep doing what you're doing and don't forget to have fun while you're at it,” caption ni Barbie noon sa kaniyang post.
“Ayan naaa!! Happy for you. Merry Christmas to my co-swiftie” pagbati ng dating co-star ni Barbie sa Maria Clara at Ibarra na si Rain Matienzo.
Samantala, naghahanda na rin ngayon si Barbie para sa kaniyang karakter sa historical action-drama ng GMA para sa 2024 na Pulang Araw. Dito ay gaganap siya bilang isabg vaudeville star sa panahon ng mga hapones sa Pilipinas.
BASAHIN ANG ILANG COMMENTS NG CELEBRITIES HABANG PINAPATAYO BARBIE ANG KANIYANG DREAM HOUSE SA IBABA.





