Barbie Forteza, nagsalita na sa viral photo nila ni Jak Roberto; may nilinaw sa mga nali-link sa kanya

Matipid ang naging komento ng multi-awarded Kapuso actress na si Barbie Forteza sa viral photo na kuha sa GMA Network Beyond 75 event noong June 29 na nagkita sila ng ex-boyfriend na si Jak Roberto.
Kuha ang larawan ng GMA Integrated News kung saan makikita na masaya nakikipagkuwentuhan ang My Father's Wife actor kay Barbie.
Sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas sa 24 Oras ngayong Biyernes, July 11, wala na gustong sabihin si Barbie sa pagkikita nila ni Jak.
Paliwanag ng Kapuso homegrown actress, “Well about that, since there was a photo that came out, I think I don't have discuss it any further kasi may photo na namang lumabas.”
Paglilinaw pa nito sa Chika Minute, “Sorry, let me rephrase na lang. I don't want to discuss it any further."
Naglabas naman ng pahayag si Barbie Forteza sa 24 Oras tungkol sa mga lalaking malapit sa kanyang buhay at showbiz actors na nali-link sa kanya.
Ano kaya ang totoo sa mga naglabasang tsismis o spekulasyon sa love life ng Kapuso Primetime Princess?




