Barbie Forteza share how it is working with Ruffa Gutierrez, Kyline Alcantara

Mapapanood na ang inaabangang GMA Primetime series na Beauty Empire simula July 7. Bibida rito sina Barbie Forteza, Kyline Alcantara, at Ruffa Gutierrez.
Sa pagbisita ni Barbie sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, June 27, kinumusta ni King of Talk Boy Abunda ang pakikipagtrabaho niya kina Ruffa ay Kyline. Ayon sa Kapuso Primetime Princess, ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho niya si Ruffa kaya masaya siya.
Hindi naman daw nagulat si Barbie sa galing ni Kyline sa kanilang serye, lalo na at nanalo kamakailan ang kaniyang co-star bilang Daytime Actress of the Year sa naganap na 6th Village People Choice Awards.
Tingnan kung papaano inilarawan ni Barbie ang karanasan niyang makatrabaho sina Ruffa at Kyline sa gallery na ito:









