Baus Rufo reveals behind-the-scenes details of 'The People Have Spoken' pilot episode

Humandang maging mas solid ang Saturday nights kasama ang pinakabagong original game show ng GMA na The People Have Spoken!
Tiyak more tawa at more saya ang hatid ng pilot episode kasama ang newest host na si Heart Evangelista at young Sparkle star na si Sean Lucas.
Dagdag din ang kulitan dahil makakasama rin ang mga bagong celebri-peeps na handang maghandog ng good vibes at ibahagi ang kanilang mga opinyon.
Kabilang sa unang celebri-peep pair ang unfiltered podcaster at stand-up comedian na si Baus Rufo!
Sa kanyang Instagram post, labis na excited si Baus na mapanood ng People ang nakakatuwang pilot episode ngayong Sabado.
"I'm part of GMA's Newest Original Gameshow! The People Have Spoken premieres this Saturday, June 6 at 6:15 PM. Sobrang saya nito. Puro improv at dogshowan na social commentary ang atake," aniya sa post.
Silipin ang kanyang fun at energetic behind-the-scenes sa pilot episode ng game show rito:





