Behind-the-Scenes: Bea Alonzo, tells her untold story in 'My Mother, My Story'

Isa na namang untold story ang matutunghayan ngayong Linggo sa limited talk series na My Mother, My Story.
Tampok sa panibagong episode ang bigating Kapuso aktres at Widows' War star na si Bea Alonzo, kung saan ibabahagi niya ang kanyang mga rebelasyon at kuwento sa buhay.
Kaabang-abang ang kanyang panayam kasama ang King of Talk na si Boy Abunda dahil mas makikilala at mauunawaan ng Kapuso viewers ang istorya ni Bea tungkol sa mga pagsubok, kalungkutan, at pag-ibig na naranasan niya sa buhay.
Ibabahagi rin ng Kapuso aktres ang kahalagahan at pagmamahal niya sa kaniyang inang si Mary Anne Ranollo. Ikukuwento ni Bea ang kanilang istoya mula sa pag-aaruga ng kanyang nanay hanggang sa pagsuporta nito sa kanya sa mga panahong nakararanas siya ng mga pagsubok sa buhay.
Sasagutin din ni Bea ang tanong ng programa na, "Sino ka nang dahil sa iyong ina?"
Silipin ang behind-the-scenes ng panayam ni Bea Alonzo sa 'My Mother, My Story,' sa gallery na ito:




