What's on TV

Bea Alonzo, tampok sa bagong episode ng 'My Mother, My Story'

By Kristine Kang
Published August 6, 2024 7:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

46,000 Catholics join first day of Misa de Gallo in Davao City
'Easiest scam in the world': Musicians sound alarm over AI impersonators
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo


Abangan ang kuwentuhan nina Bea Alonzo at Boy Abunda ngayong Linggo, August 11.

Magiging espesyal muli ang ating Linggo dahil isa na namang untold story ang mapapanood sa limited talk series na My Mother, My Story.

Bigatin at puno ng rebelasyon ang matutunghayan sa fourth episode ng programa dahil tampok dito ang Widows' War actress na si Bea Alonzo.

Ayon kay King of Talk Boy Abunda, dapat daw abangan ang kanilang "inspiring, enlightening, and entertaining" conversation dahil mas makikilala at maintindihan ng Kapuso viewers ang aktres.

"She has been in the business for many years now kaya akala natin kilalang-kilala natin siya. But there is more to her story. In this conversation, hindi lang natin siya makikilala, maintindihan natin siya. Maintindihan natin how she loves, how she deals with heartbreaks, and how she survives from pain," sabi ni Boy Abunda.

Maliban dito, ibabahagi rin ni Bea ang kahalagahan ng kaniyang inang si Mary Anne Ranollo sa buhay niya. Ikukuwento niya ang kanilang istoya mula sa pag-aaruga ng kanyang nanay hanggang sa pagsuporta nito sa kanya sa mga panahong nakararanas siya ng mga pagsubok sa buhay.

"Isang kuwentuhan na marami kang mababaon, hugot doon sa relasyon niya sa kanyang mama," paliwanag ni Boy Abunda sa isang panayam.

Ang kuwento ni Bea ay isa sa anim na celebrity na itatampok sa My Mother, My Story, kung saan ang guests ay nagbabahagi ng kanilang istorya at kung paano sila pinalaki ng kanilang mga magulang o ina. Inilalahad din nila ang kanilang karanasan kung paano sila itinaguyod, nasaktan, natutong magmahal, at iba pang mga pangyayari sa buhay nila, na humubog sa kanilang pagkatao.

Subaybayan ang kaabang-abang na episode ng TV special na My Mother, My Story tampok si Bea Alonzo ngayong August 11, sa GMA.