
Malapit nang mapanood ang untold story ng Star of the New Gen na si Jillian Ward sa third episode ng limited talk series na My Mother, My Story.
Ngayong Linggo, ikukuwento ni Jillian ang kanyang heartfelt revelations tungkol sa kanyang ina na si Jennifer Ward. Babalikan din ni Jillian ang kanyang mga alaala bilang isang child star.
Espesyal ang magiging panayam niya kasama ang King of Talk na si Boy Abunda dahil binisita pa nila ang dating bahay kung saan siya nag-taping noon ng kanyang unang GMA series na Trudis Liit.
Sasagutin din ni Jillian ang tanong ng programa na, "Sino ka nang dahil sa iyong ina?"
Silipin ang behind-the-scenes ng panayam ni Jillian Ward sa 'My Mother, My Story,' sa gallery na ito:




