Behind the scenes ng taping ni Rocco Nacino para sa 'Mommy Dearest'

Kamakailan lang ay naging bahagi na ng hit Afternoon Prime series na Mommy Dearest si Kapuso actor Rocco Nacino. Ginagampanan niya ngayon ang karakter ni Logan Alvarez, ang lalaki mula sa nakaraan ni Jade (Camille Prats) na gugulo ngayon sa buhay ni Olive (Camille Prats).
Unang napanood si Logan sa episode nitong Martes, May 20, kung saan nagkita sila ng inaakala niyang si Jade. Sa parehong episode ay nakita rin niya ang nakatakas na si Emma (Katrina Halili) at tinulungan ito.
Samantala, tingnan ang ilan sa mga behind the scenes taping ni Rocco para sa Mommy Dearest sa gallery na ito:









