Bernadette Allyson, pinagselosan ang ex ni Gary Estrada na si Donita Rose?

Inamin ni Bernadette Allyson na si Donita Rose ang pinagselosan niya sa mga dating nakarelasyon ng kaniyang asawa na si Gary Estrada.
Ikinuwento ito ni Bernadette Allyson nang bumisita sila ng kaniyang asawa na si Gary Estrada sa Sarap, 'Di Ba?
PHOTO SOURCE: @bernadetteallyson_e
Pag-amin ni Bernadette, "Alam naman ng lahat ng tao dati. Kahit naman ako na wala pa ako sa showbiz, alam ko na. 'Yung kanilang love story was talagang parang open sa public. Alam nating lahat 'yung istorya."
Ayon kay Bernadette, noong hindi pa sila magkarelasyon ni Gary ay nagbabahagi ng problema sa buhay pag-ibig ang aktor sa kaniyang ina. Dahil dito, alam ni Bernadette ang lalim ng relasyon ng dalawa.
"'Yung time na nagkakilala kami, 'yung time na ginagawa namin 'yung movie namin, 'yung Strict ang Parents Ko kachika niya 'yung Mommy ko actually. Tapos noong mga panahon na 'yun sila, so ang dami niyang kino-confide sa Mommy ko na mga problema nila or whatever."
Ang pelikulang Strict ang Parents Ko ay ipinalabas noong 1997.
Pagpapatuloy pa ni Bernadette, "Hindi naman niya alam na in the future magiging kami pala. So alam ko 'yung love story nila. Kumbaga, alam ko how deep it was."
Sina Bernadette Allyson at Gary Estrada ay nag-celebrate ng kanilang 23rd anniversary noong June 16. Mayroon silang tatlong anak na sina Icee, Gabbi, at Gianna.
Panoorin ang kanilang kuwento rito:
SAMANTALA, NARITO ANG LARAWAN NG MGA ANAK NINA GARY AT BERNADETTE:























