'Binibining Marikit' lead cast, nag-enjoy sa Japan

Mas kapana-panabik ang mga tagpo sa Binibining Marikit dahil sa mga matitinding eksena ng GMA afternoon drama.
Sa kwento, nagpunta sa Japan ang karakter ni Herlene na si Ikit sa paniniwala niyang magkikita sila ng boyfriend niyang foreigner na nang-scam sa kanya. Pero iba ang nangyari, aniya sa panayam ni Lhar Santiago para sa 24 Oras.
"May away, sampalan, duruan, iyakan kasi may nakawan. May scammer e, nabudol ako," sabi ng aktres.
Ngayong Biyernes, March 14, nagkita na ang mga karakter ni Herlene at ng kanyang Thai-Irish leading man na si Kevin Dasom, na gumaganap na Matthew.
Pagkakamalan ni Ikit na si Matthew si Viktor, ang "AFAM" na nang-scam sa kanya ng malaking pera.
Ayon kay Kevin, simula palang ito ng riot sa pagitan nina Ikit at Matthew. Ika niya, "There's gonna be a lot of tension between Matthew and Ikit."
Sa Japan din nagkita si Ikit at ang karakter ni Pokwang na si Mayumi, na stepmom pala ni Matthew.
Nakasama rin nila sa Japan si Tony Labrusca, na leading man din ni Herlene sa serye.
Narito ang ilang behind-the-scenes photos mula sa kanilang fun shoot sa Land of the Rising Sun.






