'Bubble Gang,' Taylor Sheesh, Rocksteddy, maglalaro ngayong linggo sa 'Family Feud'

Isang explosive pre-anniversary week special ang hindi mo dapat palampasin sa Family Feud simula ngayong Lunes, March 11 hanggang sa Biyernes March 15.
Bago ang mismong week-long anniversary celebration, may patikim na saya at sorpresa agad ang nasabing game show ngayong linggo.
Dito ay bigating celebrities, social media personalities, at musical artists ang mapapanood na magtatapat-tapat sa hulaan ng top survey answers kasama siyempre ang game master na si Dingdong Dantes.
Kung sino-sinong teams ang maghaharap sa studio ngayong linggo, alamin DITO:














