Candy Pangilinan, Arnold Reyes mourn the death of Joey Paras

Idinaan sa social media posts ng actress-comedienne na si Candy Pangilinan at aktor na si Arnold Reyes ang kanilang pamamaalam sa pumanaw nilang kaibigan, ang actor-director na si Joey Paras.
Kahapon, October 29, isang malungkot na balita ang ipinaalam ng kaanak ni Joey nang kumpirmahin na binawian na ng buhay ang mahusay na aktor.
“To all of our family and friends, we are saddened to announce that our Tito Joey Paras, passed away and joined our Creator this afternoon, October 29, 2023, at 5:40 PM. Unfortunately, his heart wasn't able to recover anymore,” saad sa post.
Ngayong Lunes, October 30, ibinahagi ni Candy ang throwback photo nila ni Joey kalakip ang mensahe niya para sa yumaong kaibigan.
“Sumabay ka talaga sa eleksyon at humabol sa undas. Paki-hello ako kay Direk Wenn, kay Phi, kay Choco, at marami pang iba. Rest in peace my friend. My prayers are with you. You fought well. To all my friends, I love you all,” ani Candy.
Sa isa namang Facebook post, ibinahagi naman ng theater at TV actor na si Arnold ang larawan nila ni Joey.
Mensahe ni Arnold, “Best friend Joey Paras, pahinga ka na. Salamat sa lahat ng ating pinagsamahan. Kailan man ay hindi ka malilimot. Iyakap mo nalang ako sa mommy ko.”
Base sa report ng GMA News, taong 2016 nang sumailalim sa angioplasty si Joey. Ang angioplasty ay isang procedure kung saan bubuksan at paluluwagin ang baradong arteries sa puso upang tuluyang makadaloy ang dugo rito.
Noong 2018 naman ay kinabitan si Joey ng CRTP device o cardiac resynchronization therapy pacemaker upang matulungang tumibok nang tama at ma-monitor ang kaniyang puso.
Samantala, noong June 2020, nanawagan ng tulong si Joey para sa kaniyang muling pagsalang sa angiopasty. Dito ay kinailangan niya ng PhP750,000 para sa naturang operasyon. Ang aktres na si Kris Bernal ang isa sa mga tumulong sa kaniya noon.
Huling napanood si Joey sa ilang mga programa sa GMA noon gaya ng Sunday Pinasaya. Bumida rin si Joey sa ilang mga pelikula tulad ng Bekikang: Ang Nanay kong Beki noong 2013, at marami pang iba.
Noong 2022, nakapaglaro pa si Joey sa weekday game show ng GMA na Family Feud kung saan host si Dingdong Dantes.
:
Tingnan ang mga Pinoy comedians na pumanaw na:
































