Carmi Martin at Roderick Paulate, inilahad ang sikreto ng matibay na pagkakaibigan

Masayang nakapanayam ni Boy Abunda ang mga batikang artista ng showbiz industry na sina Carmi Martin at Roderick Paulate sa programang 'Fast Talk with Boy Abunda' kamakailan.
Carmi and Roderick -
Kabilang sa kanilang napag-usapan ay tungkol sa maganda at matagal na pagkakaibigan nina Carmi at Roderick.
Nang tanungin ng 'King of Talk' kung bakit sila magkaibigan, sagot ni Roderick, “Totoo siya [Carmi Martin] kasi.”
Dugtong naman ni Carmi, “Ako rin, faithful ako sa kanya. Kahit nakatalikod, nagkikita man o hindi, isa lang ang sagot ko, kung ano 'yung sinasabi ko sa kanya, nire-respect ko,” dagdag pa niya.
Sabi naman ni Roderick, “At saka, wala kaming maskara."
Bukod sa pagiging magkaibigan, nagkaroon din ba ng feelings sina Roderick at Carmi sa isa't isa?
Balikan ang masayang panayam ni Boy Abunda kina Carmi Martin at Roderick Paulate sa gallery na ito.






