Kamao

Cast ng 'Kamao,' kilalanin!

GMA Logo kamao cast

Photo Inside Page


Photos

kamao cast



Ngayong Mayo, mapapanood na sa GMA ang Kamao, ang kauna-unahang family sports drama ng GMA Afternoon Prime na may lalaking bida.

Ito ang debut ng Kapuso Action Heartthrob na si Anton Vinzon bilang rising dramatic-action star matapos ang kanyang matagumpay na pagganap sa Mga Batang Riles.

Ang Kamao ay isang inspirational drama tungkol sa pagharap sa mga pagsubok, pagtanggap sa sarili, at pagpapakita ng kahalagahan ng pamilya.

Ipapakita rin sa serye ang matibay na samahan ng mag-amang Vinzon, kung paano ginagabayan at sinusuportahan ni Roi si Anton sa first lead role nito. Samantala, sina Katrina Halili, Amy Austria, at Neil Ryan Sese ay gaganap bilang mga taong makakasama ni MakMak, ang karakter ni Anton, sa kanyang paglalakbay.

Mapapanood din sa Kamao ang Mga Batang Riles co-star ni Anton na si Bruce Roeland. Sa serye, hindi basta kontrabida si Bruce, kundi isang taong nais patunayan ang kanyang sarili sa kanyang ama, na gagampanan ni Wendell Ramos.

Kasama rin sa star-studded cast ng afternoon drama series sina Chanty Videla, Therese Malvar, Matt Lozano, at content creators na sina Abdul at Marsy.

Kilalanin ang kanilang mga karakter sa Kamao sa gallery na ito.


Anton Vinzon bilang MAKISIG
Roi Vinzon bilang DOMENG BATUMBACAL
Neil Ryan Sese bilang NONOY BATUMBACAL
Katrina Halili bilang NADIA BATUMBACAL
Amy Austria bilang GLORIA PANGANIBAN
Wendell Ramos bilang CALOY OLIVARES
Bruce Roeland bilang LANCE OLIVARES
Chanty Videla bilang CHLOE OLIVARES
Therese Malvar bilang JOLINA
Matt Lozano bilang JOHN
Abdul bilang BRANDON PAMINTUAN
Marsy bilang ADOR TOLEDO

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Livestream: May 17, 2026
Ashley Rivera shares first Hyrox race experience
NBI, PNP enter steel mill firm in MisOr; workers stage rally