Celebrities na nakaranas ng bullying noon

Bullying ang isa sa mga pinakamatinding problema ngayon sa bansa. Mula kasi sa mga bata, hanggang sa mga teenager, hindi ito nawawala. Sa katunayan, maging ilan sa mga artista ngayon, hindi rin nakaligtas mula sa bullying.
Isa na dito ay ang pinakabagong Ka-Bubble na si Aaron Maniego na nagkuwento sa Fast Talk with Boy Abunda kung papaano niya nakuha ang tinatawag niyang “revenge body.”
Ani Aaron, “Kasi po nu'ng kabataan ko po, binu-bully po ako dahil sa itsura ko. Hindi ako 'yung tipong kagandahan nu'n and mataba po ako, marami akong acne, and in terms of what society told me was attractive, I was not. That broke me.”
Nang mag-pandemic, nagsimulang mag-work out ang social media star sa bahay, bago kalaunan ay nag-gym. Ayon sa kaniya, gusto lang niya patunayan sa mga nang-bully sa kaniya na mali sila.
Kilalanin ang iba pang celebrities na nakaranas noon ng pambu-bully sa gallery na ito:
Celebrities na nakaranas ng bullying

























