News
Cesar Montano, Jhong Hilario, and other stars grace Muro-ami Special Screening

Muling mapapanood sa mga piling sinehan ang 1999 award-winning adventure drama film na Muro-ami, na digitally remastered.
Pinagbidahan ito ni Cesar Montano at idinirehe ng yumaong National Artist for Film and Broadcast Arts na si Marilou Diaz-Abaya.
Sa naganap na special screening ng pelikula noong Martes, May 19, sa SM North EDSA Director's Club, present ang mga aktor na nagbigay-buhay sa pelikula tulad nina Cesar Montano, Amy Austria, Jhong Hilario, Pen Medina.
Dumalo rin ang screenplay writers na sina National Artist Ricky Lee at Jun Lana.
Tingnan ang mga naganap sa Muro-ami Special Screening sa gallery na ito:












