Fast Talk with Boy Abunda

Claudine Barretto, Boy2 Quizon, Vandolph, ibinahagi ang natutunan nila kay Dolphy

GMA Logo Claudine Barretto, Boy2 Quizon, Dolphy in fast talk with boy abunda

Photo Inside Page


Photos

Claudine Barretto, Boy2 Quizon, Dolphy in fast talk with boy abunda



Nagkuwento sina Claudine Barretto, Boy2 Quizon, at Vandolph tungkol sa inaabangan nilang pelikula na Home Along Da Riles Da Reunion, na mapapanood na simula June 17 sa mga sinehan.

Sa kanilang guest appearance ngayong Biyernes, June 12, sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi nila kung paano nagsimula ang proyekto.

Ani Boy2, na direktor ng upcoming movie, "Meron kaming pino-promote na product tapos sabi ni Vandolph sa 'kin, let's think of something. Gawa tayo ng content, punta tayo sa riles. May pinuntahan kaming riles sa Sucat, hawak-hawak namin yung product tapos may ginagawa kami nito tapos nagulat kami biglang napuno yung mga tao sa riles tapos nag-viral tapos do'n na nag-start."

Ayon pa kay Boy2, naging daan ang binyag ng anak ni Smokey Manaloto para mag-materialize ang pelikula.

Dugtong niya, "Two weeks after that, nagkaroon ng binyag 'yung anak ni Kuya Smokey so 'di na s'ya basted. That time, kasama naman namin sila Tita Nova (Villa), sila Tita Ces (Quesada) tapos dumami."

Dagdag ni Claudine, tao na mismo ang humiling sa kanila na magkaroon ng reunion project matapos makita silang sama-sama sa nasabing event. "Kumbaga ang public na ang humingi sa amin," ika ng aktres.

Samantala, pinuri rin ni Claudine ang pagiging dedicated director ni Boy2 sa Home Along Da Riles Da Reunion.

Sabi niya, "Ang nakuha ni Boy2 yung pagiging perfectionist ni Tatay (Dolphy), namana. Si Tatay 100 percent, ikaw (Boy2) 150 percent. Nakaka-proud si Boy2 dahil pinaghirapan niya talaga itong pelikulang ito. Talagang bawat shot, binigay niya lahat-lahat."
Sa pagpapatuloy ng panayam, nagkuwento ang tatlo tungkol sa mga natutunan nila sa yumaong Comedy King na si Dolphy, na tumayong ama-amahan nila habang nasa set ng sitcom na Home Along Da Riles.

Tingnan sa gallery na ito.


Claudine Barretto
Influence
Boy2 Quizon
Companionship
Vandolph
Humility

Around GMA

Around GMA

Tabuh-tabuh o barter system, nananatiling buhay sa Tawi-Tawi; nauuso rin online
Ex-Cebu jail chief arrested in alleged harassment case
Check out this fun 'How to Train Your Dragon'-themed Viking adventure