Claudine Barretto, humiling ng dasal para sa inang may sakit

May isang mahalagang hiling si Claudine Barretto sa kaniyang followers sa Instagram.
Nitong Lunes ng umaga, September 16, nag-post si Claudine tungkol sa kalagayan ng kaniyang ina na si Inday Barretto.
Ayon sa aktres, mahigit isang linggo na silang nasa ospital para sa ongoing na gamutan sa pakikipaglaban ng kaniyang ina sa sakit na lupus.
Kaugnay nito, humiling ng panalangin si Claudine para gumaling na ang kaniyang Mommy Inday.
Sulat ni Claudine sa caption ng kaniyang post, "Mom we [love] and need you dearly. Please get well soon."
"Palanggas please pray for my mom, more than a week na siya sa hospital and she is 87 years old with lupus.”
“I need all your prayers please, she is the only parent I have left,” dagdag pa niya.
Base pa sa post ng aktres, kabilang siya sa mga nag-aalaga kay Mommy Inday.
“I have been checking and taking care of her together with my Kuyas Mito and Joaquin, my Ate Michie and sister-in-law Connie.”
Kasunod nito, humiling din si Claudine ng panalangin para sa kaniya.
“Isama n'yo na rin po ako sa prayers n'yo. I haven't been eating… and I haven't been sleeping,” sulat niya.
Samantala, kasalukuyang nasa sa St. Luke's Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig si Mommy Inday at ang ilang miyembro ng pamilya ni Claudine.
BALIKAN ANG INTERVIEW NI CLAUDINE SA FAST TALK WITH BOY ABUNDA SA IBABA












