Claudine Barretto, may mensahe sa pamilya sa pagpanaw ng inang si Inday Barretto

Naglabas ng mensahe si Claudine Barretto para sa kaniyang pamilya sa pagpanaw ng kanilang ina na si Estrella “Inday” Barretto.
Ang pagpanaw ng kanilang ina ay inilahad ng kapatid ni Claudine na si Joaquin Barretto noong January 29. Saad niya sa kaniyang Facebook post, "Rest in peace, Mom. I love you.”
Sa bagong post ni Claudine ay nagpahayag siya ng pasasalamat sa mga kapatid. Ani Claudine, "to my Brother & all my sisters thank you 🙏 Magulo man po kami but in Grief we are all United. We all did our part.JJ,Michie,Gia,G,Marjorie & all the apos pati apo sa tuhod.Pantay pantay inalagaan ang mommy."
PHOTO SOURCE: Claudine Barretto (Facebook)
Dugtong pa ng aktres, "We choose Peace over everything. We don't need flowers .Your Prayers all mean the world to each & everyone of us. Maraming salamat po sa inyong lahat."
Saad naman ni Claudine sa huling bahagi ng kaniyang post ay magiging maayos silang magkakapatid.
"Goodbye Mom.We will be ok.how can we not? WE ARE INDAY BARRETTO's children.The strongest most loving Mother anyone could ask for."
Bukod sa mensahe ni Claudine, nag-post din siya ng reels bilang pag-alala sa kaniyang ina.
Si Inday at Miguel Barretto ay may pitong anak na sina Claudine, Marjorie, Gretchen, Joaquin, Michelle, Gia, at Mito.
Related gallery: Celebrities na nakatampuhan ang kanilang mga magulang

















