David Licauco, ilang beses na naiyak dahil sa babae?

Photo Inside Page


Photos

David Licauco pinaiyak na ba ng babae



Sa panayam ni David Licauco sa Kapuso Mo, Jessica Soho, hindi nito itinangging mabilis siyang maiyak.

Aniya, "To be fair, iyakin po talaga ako. Last time, hinatid ko 'yung sister ko sa Australia, naiyak po ako.

Kapag pamilya ang usapan, mabilis maantig diumano ang puso ni David.

"One time, pinanood ko 'yung brother and sister ko sa UAAP (University Athletic Association of the Philippines), volleyball players kasi sila sa Ateneo. Pagpasok ko ng arena, nakita ko sila, umalis ako. Naiiyak ako, I went to the CR, hindi ko kayang manood."

Pati sa pag-ibig, hindi maikakaila ng Pambansang Ginoo na naiiyak din siya paminsan.

"Sa relationships, sometimes kapag na-ooverwhelm lang ako sa nangyayari, kapag mahal mo 'yung babae.

Nang tanungin ni Kapuso host Jessica Soho kung ilang beses na siyang naiyak dahil sa babae, ang sagot ni David, "I think sa lahat naman po ng aking relationships, naiyak ako."

Naikuwento rin niya na may mga breakup na siya ang naiwan o hiniwalayan.

"May mga iba po na sila 'yung nang iwan. Meron ding iba na ako 'yung nang iwan.

Ani ni Jessica, "Sa ibang mga lalaki, lalo na 'yung older generations, parang kabawasan sa kanila kapag iiyak sila. So, in your case, hindi ka nahihiya aminin na iyakin ka?

Sagot naman ni David, "I'm proud naman to say na I'm iyakin, this is me."

Nang tanungin kung handa na siyang magmahal muli, naging bukas naman ang kalooban nito sa pag-ibig at idinitalye ang kaniyang ideal girl.

"[I'm] always ready naman. [I want someone] caring, smart, someone who is self-aware, someone who has dreams and goals. Someone who will support and accept my job--and myself, my personality. Mahilig po ako sa chinita, na hindi masyadong chinita," kuwento ni David.

Hindi lamang pang rom-com o drama si David, mapapanood na rin ito sa isang comedy-satirical film kung saan gumanap siya bilang isang pari, kasama sina Sanya Lopez at Joel Torre.
Abangan sila sa pelikulang Samahan ng mga Makasalanan under GMA Pictures, na ipapalabas na ngayong April 19, sa direksyon ni Benedict Mique.

Patuloy na panoorin ang Kapuso Mo, Jessica Soho, tuwing linggo 8:15 ng gabi sa GMA Network.

SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA LARAWAN NI DAVID SA BENCH BODY OF WORK FASHION SHOW


Kathryn Bernardo and David Licauco
David Licauco with P-pop Kings SB19
Derrick Monasterio and David Licauco
David Licauco and Dingdong Dantes
Alden Richards
Topless
Grateful
Dressing room
Showbiz
Opportunities
Best
David Licauco

Around GMA

Around GMA

Comedian Kuhol dies at 66
PRO 7 chief checks Sarah Discaya, et al. in Lapu-Lapu City Jail
Christmas gift ideas for your girl besties