David Licauco, walang kinalaman sa hiwalayan nina Barbie Forteza at Jak Roberto

Isa sa mga balitang bumungad sa mga tao ngayong 2025 ay ang hiwalayan ng long-time Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto.
Matatandaan na inanunsyo ni Barbie ang kanilang hiwalayan noong January 2, at humingi ng privacy at respeto mula sa mga tao.
Bilang ka-loveteam ng aktres, hindi malayong maisip ng mga tao na si Pambansang Ginoo David Licauco ang dahilan ng naturang hiwalayan. Sa pagbisita ng aktor sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, April 16, pinabulaanan niya ang haka-haka ng mga tao.
“One thing's for sure... I'm not part of their breakup,” sabi ng aktor.
Kuwento n David, sobrang close na nila ngayon ng kaniyang ka-love team at sa katunayan ay nagte-text sila sa isa't isa para lang mangamusta.
“We're really close. Minsan magkukumustahan kami via text, like kamusta lang, what's happening now, kamusta siya, kamusta 'yung movie na ginagawa niya. It's more of that,” sabi ng aktor.
Ngunit paglilinaw ng aktor, hindi sila nagte-text ni Barbie noong in a relationship pa ang aktres kay Jak.
“Before, we never texted talaga, swear to God. So pretty much, hindi talaga ako parte nu'n. Wala akong kinalaman,” pagpapatuloy ni David.
Sa ngayon, ani David, ay gusto na lang niya muna pagtuunan ang sarili at ipagpatuloy ang self improvement na nagagawa niya ngayon. Dagdag pa ng aktor ay hindi naman niya minamadali ang makapasok sa panibagong relationship matapos nag break up nila ng girlfriend noong September.
“I'm not rushing into it. You miss it, I do miss it, siyempre gusto mo may kayakap ka or sabihan mo ng problema mo. May kausap ka on a daily basis,” sabi ng Pambansang Ginoo.
Dagdag pa ng Samahan ng mga Makasalanan star, kung dati ay may timeline siya kung kailan dapat ikasal, ngayon ay wala na.
“I think now it's more of go with the flow na lang talaga. Whatever happens, happens. But sometimes, maiisip mo rin na gusto mo rin na kunyari 'yung mga anak mo, teenager na, gusto mo makapag basketball pa with them or kung ano man 'yung sports nila. I mean siyempre sumasagi pa rin 'yan sa utak mo,” sabi niya.
Nang tanungin siya ng batikang host kung handa na ba siyang makasal, sagot ni David, “Emotionally, I think I'm ready, financially, I think I'm ready. Physically, I think I'm ready. Career-wise, I'm not yet ready. One thing is to be ready, and one thing is to be committed to actually doing it.”
SAMANTALA, BALIKAN ANG KILIG MOMENTS NINA DAVID AT BARBIE SA GALLERY SA IBABA











