
Naghatid ng saya at tawanan ang Kapuso actor na si David Licauco sa fun noontime program na It's Showtime nitong Miyerkules (January 8).
Sa masaya at nakakaantig na segment na "And the Breadwinner Is", nakihula si David kung sino ang totoong breadwinner na dance choreographer.
Masayang binati ng mga host ang Pulang Araw star sa studio habang puno naman ng kilig ang madlang audience.
Game na game din nakipagkulitan si David kasama ang It's Showtime family. Ngunit may mga pagkakataong pinusuan ng fans ang cute at shy moments ng Kapuso actor sa mga biro ni Vice Ganda.
"David, may partner ka ba?" tanong ni Vice.
"Wala po, single lang po," nahihiyang sagot ni David.
"Hoy tinatanong ko lang naman sa business, ikaw naman love life kagad," pang-aasar ni Vice.
"Single lang din po sa business," sagot naman ni David habang natatawa.
Marami rin ang hindi napigilang tumili sa mga hirit ni Vice tungkol sa love team ng aktor.
"Pwede ba ligawan 'yung mga estudyante?" tanong ni David sa breadwinnerable.
"Wow! Pwede ba ligawan ng leading man 'yung leading lady?" asar ni Vice.
Mas kinilig ang lahat nang dinagdag pa ng Unkabogable Star, "Pwede ba ligawan ng leading man 'yung leading lady kahit bagong hiwalay pa lang?"
Naging usap-usapan din online ang pagbanggit ni Vice tungkol sa usaping three-month rule sa isang relasyon.
"Sabi nila may three-month rule daw. Pero 'di natin alam kung sino kasi nagpauso noon," sabi ni Vice.
Napansin pa ng mga host na namumula ang tenga ni David sa tuwing inaasar ni Vice. Ngunit ang totoong dahilan pala ay ang pagtama ng ilaw sa Kapuso actor.
Sa huli, nangako si David na babalik sa It's Showtime dahil labis ang kanyang tuwa sa programa.
"It's so nice to be here kasi parang hindi lang entertainment,e. You guys get to inspire people also," sabi niya.
Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Balikan ang iba pang Kapuso celebrities na bumisita sa It's Showtime, dito: