Dennis Trillo, ipinakilala na bilang malupit na kalaban sa hit GMA series na 'Pulang Araw'

Pormal nang ipinakilala si Kapuso Drama King Dennis Trillo bilang pinakamabagsik na kontrabida sa hit GMA series na Pulang Araw.
Sa isang exclusive media conference nitong Martes, August 6, masayang humarap sa press si Dennis upang sagutin ang mga tanong tungkol sa kaniyang magiging karakter sa serye.
Bibigyang buhay ni Dennis sa Pulang Araw ang karakter na si Col. Yuta Saitoh na pinuno ng Japanese Imperial Army na may layong sakupin ang Pilipinas noong 1940s.
Ang karakter ni Dennis bilang si Col. Yuta ang isa sa magpapahirap sa mga buhay ng magkakababatang sina Adelina (Barbie Forteza), Teresita (Sanya Lopez), Hiroshi (David Licauco), at Eduardo (Alden Richards).
Balikan ang mga naging kaganapan sa media conference ni Dennis Trillo para sa Pulang Araw sa gallery na ito.









