Diana Zubiri, nagbenta kay Boss Toyo ng men's magazines na siya ang cover girl

GMA Logo Boss Toyo, Jayson Luzadas, collection
Source: Boss Toyo Production/YT

Photo Inside Page


Photos

Boss Toyo, Jayson Luzadas, collection



Aminado ang kilalang internet personality na si Boss Toyo na malaking fan siya ng dating actress at Encantadia star na si Diana Zubiri. Katunayan, sa isang episode ng Unang Hirit ay pinresyuhan niya ang costumes na sinuot ng aktres at ni Karylle bilang sina Sang'gre Danaya at Alena sa serye.

Para sa costume ni Karylle, prinesyuhan ito ni Boss toyo ng PhP300,000. Ngunit para sa costume ni Diana, aniya, “'Pag dinala po niya sa akin ng kung sino po, kunyari ng production, PhP400,000 po. Pero kapag si Diana ang nagdala sa akin, baka PhP500,000.”

Kaya naman, nitong July 4, bumisita si Diana kay Boss Toyo para naman magbenta ng ilang FHM magazines na siya ang front cover. Bukod pa rito, dala rin ng dating aktres ang CD ng kaniyang single na Catch Up at pelikulang Liberated 2.

“Napanood kita sa Unang Hirit, kaso lang hindi natin pwede ibenta 'yun, Boss Toyo,” sabi ng aktres.

Ayon kay Boss Toyo ay bumisita lang naman talaga si Diana sa kanila, at wala namang balak magbenta talaga.

“Nag-visit lang, 'tapos sabi ko baka meron ka diyan something na pwedeng ma-contribute dito sa shop natin, sabi ko baka pwede bilhin,” sabi niya.

Isa sa mga magazine na dala ni Diana ay naglalaman ng controversial picture niya kung saan nag-photoshoot sila noon sa EDSA flyover. Kuwento ng aktres, sa litrato na lumabas sa magazine, makikita na naka bikini top at boyleg siya. Ngunit sa shoot, ay naka-bikini talaga siya.

“Actually, nu'ng nag-shoot kami dito, ire-reveal natin, naka bikini ako talaga. So, nu'ng nagalit sila at nagkaroon ng issue, hindi ko daw pwedeng ilabas 'yung totoong suot ko so in-edit nila. Naka-bikini talaga ako,” sabi niya.

Kinabukasan, pagkatapos ng shoot, ay kinasuhan siya ng dating Mandaluyong City Mayor na si Benjamin Abalos Jr. para sa kasong grave scandal.

Ayon kay Diana, hindi lang natuloy ang kaso dahil nagbigay siya ng public apology, at in-edit ng magazine ang nasabing photo.

Kuwento niya sa Fast Talk with Boy Abunda, dinare lang siya umano ng kaniyang manager na gawin ang photoshoot. Aniya, pumayag lang siya sa isang kondisyon, na bilhan siya nito ng bagong cellphone na may camera.

Nang tanungin ni Boss Toyo kung meron bang raw o original na file ang litrato, sinabi ni Diana na meron, ngunit wala siyang kopya.

Kaya ang panawagan ni Boss Toyo, “Kung sino man may kopya nu'ng original, dalhin niyo sa akin dito, bibilhin ko, mag-usap tayo dito, seryoso 'yan.”

Ngunit ayon sa aktres ay hindi basta-basta mailalabas ang picture kung sino man ang meron nito.

Paliwanag niya, “Nasa FHM mismo 'yun, bawal nila i-release kasi, siympre, pag-aari nila 'to, e, ng FHM. So hindi siya pwede basta-basta mag-release.”

Samantala, nang tanungin na ni Boss Toyo si Diana kung magkano niya ibebenta ang mga magazine at CD, ay sinabi ng aktres na ang internet personality na nag magpresyo.

“Antayin ko na lang magkano offer mo kasi ang hirap naman magpresyo. Tapos kung sakaling okay naman sa'kin, edi... Wala na 'to e,” sabi ng aktres.

Nang tanungin ni Boss Toyo ang magazine expert niya na si Angelo Bernardo, ang sabi nito ay nasa PhP500 - PhP1,000 kapag walang signature. Ngunit kung meron ay nasa PhP5,000 - PhP10,000 each.

Unang tinawaran ni Boss Toyo lahat ng magazines at CDs ng PhP5,000 pero itinaas din sa PhP8,000. Hindi nagtagal ay itinaas niya ulit ang offer sa PhP10,000, at itinaas ulit sa PhP20,000 sa kondisyon na pipirmahan ito ni Diana.

Ngunit hirit ng aktres, “Boss, galing akong Australia, dollar 'yung rate namin. Magkano 'yun 'pag dollar?”

Dito, nag-offer na si Boss Toyo ng $200, ngunit ayon sa aktres, kulang iyon sa naunang PhP20,000 offer kaya itinaas ito sa $400 o PhP23,404, base sa rate ng dollar ng araw na 'yun.

Hirit ulit ni Diana, “Alam mo Boss, lima kami sa pamilya, lagyan mo pa ng $100, deal na'ko, $500. Mga PhP28,000. Bibigay ko 'to sa mga anak ko, panganay, pangalawa, bunso, asawa. Asan 'yung sa 'kin?”

Sagot ni Boss Toyo, “Parang peso na lang tayo, parang mas marami pag peso. PhP20,000”

Pero sa huli ay pumayag na rin si Diana sa $400.

Bago matapos ay tinanong ni Boss Toyo kung nagkaroon ba ng regrets si Diana sa ginawang pagpapa-sexy noon.

Ang sagot ng aktres, “Wala naman. Kasi, actually, sandali ko lang siya ginawa. 'Tapos, 'yun 'yung naging stepping stone para magkaroon ako ng big opportunity sa showbiz."

Tingnan ang iba pang showbiz-related item sa koleksiyon ni Boss Toyo rito:


Bagsakan 
Gloc 9 
Chito Miranda 
Francis Magalona 
Francis Magalona's jersey 
Jiro Manio's trophy 
Daniel Padilla 
FPJ's licenses 
Bato ni Darna 
Ferdinand Marcos Sr. 
Nora Aunor 
Cory Aquino
Annabelle ng Pinas 

Around GMA

Around GMA

NTF-ELCAC rejects claims P8-B barangay allocation is ‘discretionary fund’
‘Panunuluyan’ blends timeless tale of faith with PH heritage
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine