GMA Logo diana zubiri
Image Source: dianazubirismith (Instagram)
What's Hot

Diana Zubiri marks 19th anniversary of 'Encantadia'

By Nherz Almo
Published May 4, 2024 5:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NTF-ELCAC rejects claims P8-B barangay allocation is ‘discretionary fund’
‘Panunuluyan’ blends timeless tale of faith with PH heritage
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

diana zubiri


Diana Zubiri nagpasalamat sa 'Encantadia.'

Muling binalikan ni Diana Zubiri ang mga alaala mula sa hit telefantasyang Encantadia sa ika-19 anibersaryo nito.

Sa isang Instagram post, ipinakita ni Diana ang ilang behind-the-scenes photos niya na kuha mula sa set ng Encantadia. Ang photo carousel at sinalinan pa niya ng kantang “Mahiwagang Puso,” na kinanta ng kanyang co-star na si Karylle.

Makikita sa ilang larawan ang iba pa niyang co-stars na sina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Jennylyn Mercado, Alfred Vargas, and ang direktor nilang si Mark Reyes.

Sa naturang post, sinabi ng aktres, “19 year na pala since sumalang ako sa unang Teleserye. Maraming Salamat dahil dito nakilala si Danaya hanggang ngayon.

“Avisala Eshma Encantadia.”

A post shared by Diana Zubiri-Smith (@dianazubirismith)

Sa nakaraang panayam ng GMANetwork.com, sinabi ni Diana na malaking oportunidad sa kanya na naging bahagi siya ng telefantasyang kilala na sa Pinoy pop culture.

Aniya, “Siyempre, after ng flyover [controversy], medyo sexy pa rin noong kinuha ako ng Bubble Gang. Habang nagba-Bubble Gang ako, na-offer sa akin yung Encantadia, mga kasama ko wholesome [ang image].

“Buti na lang talaga tinanggap ko. Kasi noong una, parang ayaw ko dahil nga po parang ang layo sa image ko. Siyempre, gusto ko rin yun, gusto ko rin ng change. Siyempre, tataas din ang TF ko nun kaya sabi ko, tatanggapin ko.”

Umere ang pilot episode ng Encantadia noong May 2, 2005. Nagkaroon ito ng requel noong 2016, kung saan bumida naman sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez.

Samantala, sa parehong panayam, nagbigay ng payo si Diana sa mga bagong aktor na gaganap sa spin-off ng serye, ang Sang'gre. Ito ay pangungunahan nina Bianca Umali, Faith da Silva, Kelvin Miranda, at Angel Guardian.

“Ang advice ko lang, i-enjoy nila yung process na maraming nag-a-adore dun sa characters,” sabi ni Diana.

Tingnan ang huling reunion ng mga orihinal na sang'gre rito: