Dingdong Dantes is the director behind Beatrice and Lizzy's car accident in 'Royal Blood'

Proud na ibinahagi ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang ilan sa eksenang idinirehe niya sa pinagbibidahang serye, ang Royal Blood.
Sa Instagram, ipinakita ng aktor ang ilan sa behind-the-scenes photos ng naging directorial work niya sa hit murder mystery series na kinunan noong August 23.
"Sharing with you some BTS of that memorable day in 3...2...1," pagbabahagi ng aktor.
Ilan sa mga eksenang ito ay napanood sa episode 59 ng Royal Blood na inilabas noong Huwebes (September 7) kung saan nalagay sa panganib ang buhay nina Beatrice (Lianne Valentin) at Lizzy (Sienna Stevens) matapos na mawalan ng preno ang kotseng sinasakyan nila.
Silipin ang ilang behind-the-scenes photos ng mga eksenang idinirehe ni Dingdong Dantes sa Royal Blood, na mapapanood din ngayong Biyernes (September 8).









