GMA Logo Jillian Ward on Royal Blood
What's on TV

Jillian Ward, magkakaroon ng cameo bilang Dra. Analyn sa 'Royal Blood'

By Aimee Anoc
Published September 5, 2023 12:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward on Royal Blood


Abangan si Jillian Ward bilang ang genius na neurosurgeon na si Dra. Analyn sa hit primetime series na 'Royal Blood.'

Magkakaroon ng crossover sa Royal Blood ang karakter na pinagbibidahan ni Jillian Ward sa hit Afternoon Prime series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Sa panayam kay Lhar Santiago ng 24 Oras, ibinahagi ni Jillian ang excitement nang mag-cameo ito bilang ang genius neurosurgeon na si Dra. Analyn sa hit murder mystery series.

"Super excited po ako kasi first time ko pong mag-cameo sa ibang show bilang si Doktora Analyn and nag-enjoy din po talaga ako sa taping po ng 'Royal Blood,' sabi ng aktres.

Talaga namang kaabang-abang ang mga pasabog na mangyayari pa sa Royal Blood. Mapapanood si Jillian soon sa hit primetime series.

Ang Royal Blood ay pinagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Kasama sa star-studded na cast sina Megan Young, Mikael Daez, Dion Ignacio, Lianne Valentin, Rabiya Mateo, at Rhian Ramos.

Sa natatanging pagganap ni Tirso Cruz III bilang Gustavo Royales. Kasama rin dito sina Ces Quesada, Benjie Paras, Carmen Soriano, Arthur Solinap, James Graham, Aidan Veneracion, Princess Aliyah, at Sienna Stevens.

Patuloy na subaybayan ang Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.

BALIKAN ANG PAGKABUNYAG NG SAKIT NA ALOPECIA NI MARGARET SA ROYAL BLOOD DITO: