News
Diwata, nakapagpundar na ng sariling bahay; nagpa-house tour

Natupad na ng social media personality at negosyanteng si Deo Balbuena, o mas kilala bilang Diwata, ang kanyang pangarap na magkaroon ng sariling bahay.
Ngayong Lunes (May 18), nagpa-house tour si Diwata sa kanyang bahay sa General Trias, Cavite kasama si Chef JR para sa Unang Hirit.
"Nakakatuwa kasi dati kong pangarap pero ngayon natupad ko na, na magkaroon talaga ako ng sarili kong bahay," sabi ni Diwata.










