Relationship

Donita Rose, big deal ang age difference nila ni Felson Palad

Source: felsonpalad/IG

Photo Inside Page


Photos

donita rose and felson palad



Hindi maipagkakaila na noong Donita Rose at Felson Palad ang kanilang relasyon ay nakatanggap sila ng mga kritisismo. Isang bagay na pinansin ng mga tao ay ang 10-year difference ng kanilang edad, bagay na nakaapekto umano sa aktres.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, September 11, inamin ni Donia na “big deal” para sa kaniya na mas bata ng 10 taon si Felson. Aniya, lalong malaki ang epekto nito sa kaniya dahil hindi naman niya kailanman naisip na magpakasal sa ganoon kabata.

“Pero I fell in love with him already, e. And then I realized, 'Wait, it doesn't feel like there's an age gap and if he's okay with it, and I'm okay with it, then it doesn't really matter,'” sabi ni Donita.

Related gallery: Donita Rose, Felson Palad, naging sandigan ang kanilang faith para sa
isang successful na relasyon

Inamin din ni Donita na naisip niya noon magpa-facelift para naman matapos ang ilan pang taon ay magpapantay din ang itsura nila ng asawa.

“Kasi siyempre, half American ako, so medyo nagtu-turtle neck ako, medyo nagdu-droop na 'yung eyes ko,” sabi ni Donita.

Nilinaw naman ng dating aktres na hindi ito insecurity. Sa halip, ito ay mga bagay na gusto niya lang mabago matapos mapansin kung papaano nag-iba ang kaniyang itsura.

“I think it was more of like now, parang when you see people on social media, everybody's doing it now so it's not like something to be ashamed of, or taboo like before. And when I saw na medyo pumayat na'ko, kasi I lost 40 pounds in two years e, and medyo nag-sag na ng konti 'yung skin ko,” pagbabahgi ni Donita.

Very supportive naman si Felson sa kaniya kaya inalok ang serbisyo ng kapatid na i-facelift siya, lalo na kung issue umano ito sa dating aktres.

“Sabi niya, 'Mahal, kung issue sa 'yo 'yan, 'wag ka mag-alala, may kapatid ako na pwedeng ayusin lahat 'yan.' So sabi ko, 'Sige, let's do it.' Might as well because when I'm 60, he's gonna be 50, gusto ko medyo pantay-pantay, people won't be questioning our age gap,” sabi ni Donita.

Samantala, narito ang ilang pang celebrity couples na may malaking age gap:


Vilma Santos and Ralph Recto
Assunta De Rossi and Jules Ledesma
Tonyboy Cojuangco and Gretchen Barretto
Robin Padilla and Mariel Rodriguez
Heart Evangelista and Chiz Escudero
Hayden Kho and Vicki Belo
Pauleen Luna and Vic Sotto
Aiai Delas Alas and Gerald Sibayan
Freddie Aguilar and Jovie Albao
Dionisia Pacquiao and Michael Yamson
Cherry Lou and Phytos Ramirez
Rico Blanco at Maris Racal
Beauty Gonzalez at Norman Crisologo
Coco Martin and Julia Montes

Around GMA

Around GMA

NBA: Jamal Murray hits 10 3-pointers as Nuggets handle Jazz
These spots are perfect for Easter
Church clarifies Holy Week beliefs, urges focus on faith