Fast Talk with Boy Abunda
Dustin Yu, Bianca de Vera, binalikan ang first impression sa isa't isa

Kilala ngayon bilang isa sa mga pinakamainit na love team ang tambalan nina Dustin Yu at Bianca de Vera. At gaya ng maraming love teams, umaasa ang fans na tatawid sa real life ang relasyon ng dalawa.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, July 16, inamin nina Dustin at Bianca na hindi naman nila nakita noong una ang isa't isa bilang ka-love team o potential na karelasyon. Sa katunayan, ayon sa aktres, kuya-kuya lang ang tingin niya noon sa aktor.
Ngunit kalaunan, nagbago umano ang tingin nila sa isa't isa hanggang sa na-develop ang dalawang aktor sa kung ano ang meron sila ngayon.
Alamin ang first impression nina Dustin at Bianca sa isa't isa at kung papaano ito nagbago sa gallery na ito:









